Inspeksyon sa Poultry at Piggery

Inspeksyon sa Poultry at Piggery

by: Black Swan

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-25 ng Hulyo 2013, nagsagawa ng inspeksyon sa Poultry at Piggery ng Barangay Tabuan at Barangay San Nicolas Arayat, Pampanga. Ito ay sa pangunguna nina Gng. Alma M. Imana (Sanitary Inspector V) at Christine Joy Venasquez (Sanitary Inspector III) ng Munisipalidad ng Arayat. Isinagawa ang nasabing inspeksyon sa Brgy. Tabuan dahil malangaw at mabaho ang naturang poultry, ayon narin sa mga residente doon. Kaya naman sumangguni na sila sa Pamahalaan ng Arayat para masolusyunan ang problemang ito.

    Sa araw ding iyon, ininspeksyon naman ang piggery sa Brgy. San Nicolas, dahil na rin sa reklamo ng mga naninirahan doon. Ang reklamo rin dito ay ang masangsang na amoy at pagkakapinsala sa sakahan at taniman ng mga tao doon. Ayon sa kanila, hindi maganda ang tubo ng palay dahil sa pag-over flow ng waste galing sa piggery. Kaya naman sumangguni na rin sila sa inauukulan.

    Pagkatapos ng nasabing inspeksyon, dumating sa tanggapan ng Municipal Health Office ang may-ari ng piggery sa San Nicolas kasama ang isang magsasaka doon upang sa ganoon ay masulusyunan sa maayos na paraan ang nasabing problema. Nangako naman ang may-ari na sosulusyunan agad nito ang problema.

2 thoughts on “Inspeksyon sa Poultry at Piggery

  1. Maganda itong mga pagtulong sa mga negosyante at mamayan. Keep it up! Sana marami pang matulungan at masolusyan na problema ng mamayan Arayat! Saludo ako sa iyo Hon. Mayor Bon!

  2. Sana matignan din ang piggery sa Telapao sa San Nicolas na malapit sa sinasaka ni Boy Venzon.Ito ay nasa bakuran na pagaari ni Boy Parungao at Lucy Venzon.Wala itong waste treatment facility

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s