Inspeksyon sa Mga Videoke Bars

Inspeksyon sa Mga Videoke Bars

by: Black Swan

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-25 ng Hulyo 2013, nagkaroon ng inspeksyon sa mga Videoke bars ng barangay Arenas at San Antonio sa Arayat, Pampanga. Nagsimula ito ng alas otso ng gabi at inabot ng alas dose ng umaga, ito ay sa pangunguna ni Mr. Carlos Alejandrino (Municipal Administrator) kasama Philippine National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD , Treasurers Office, Fire Dept., Municipal Health Office sa pangunguna nina Alma M. Imana (Sanitary Inspector V), Chistine Joy Venasquez (Sanitary Inspector III) at dalawang doctor na sina Doctor Austria at Doctor Kibanoff.

    Inilunsad ang hakbang na ito upang masiguro kung walang menor na edad ang nagtatrabaho dito at kung may permit ang bawat isa sa mga nasabing bars. Isa rin sa mga ininspeksyon dito ay ang pagkakaroon ng fire extinguisher na kung saan upang masiguro ang seguridad kung sakaling may aksidente sa naturang lugar.

    Sa pamamagitan nito, masisiguro ang kaligtasan at kaayusan ng lugar sa mga pwedeng mangyari at may patunay na may mga papeles ang bawat isa sa kanila. Ayon kay Gng. Alma Imana, wala namang mga menor na edad ang nagtatrabaho sa mga naturang bars at ang halos naging problema lamang ay ang kanilang mga permit. Pagkatapos ng naturang inspeksyon agad namang nakipag-ugnayan ang mga managers ng naturang bars upang agad mas0lusyunan ang nasabing problema.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s