Ang Nawawalang Kampana ng Telapayong

Ang Nawawalang Kampana ng Telapayong

by: Lili Pad

Sa barangay Telapayong, Sitio Talimundok dito sa Arayat, Pampanga, ninakaw ang kampana ng simbahan na tinatayang higit sa limampung taon ng nagbibigay ng hudyat sa pagsisimula ng isang misa doon. Ito ay naibalita na rin sa telebisyon noon lamang July 31, 2013.

    Noong 2010 nagsimula ang pagnanakaw ng mga antigong kampana sa ilang lugar sa Plaridel, Obando, Giginto at ngayon naman ay sa Sorsogon at dito sa Arayat. Kaya nga hinihinalang mga sindikato ang nasa likod ng ganitong klaseng gawain.

    Ayon kay June Buertes, isang Barangay Pasteural Council/Spem sa sitio, siya ang unang nakapansin na nawawala ang kampana ng kanilang simbahan, araw ng biyernes. Mula pa ng siya ay dumating sa lugar noong 1965 ay naroon na ang kampana. Dahil sa tagal na ng kaniyang pamamalagi dito, hindi na raw nila kinakandado ang simbahan dahil iyon na ang kanilang nakasanayan at panatag sila na walang magkaka-interes. Kaya nga kanila ding iniisip na baka taga-labas ang mga kumuha dito.

    Sinubukan nilang hanapin sa mga junk shops ang nawawalang batingaw dahil baka mga mangangalakal lang daw ang kumuha at ibinenta, ngunit bigo silang makita ito. Inireport na rin nila sa Archbishop ng San Fernando ang pangyayari, pero wala pa silang balita kung ano ang reaksyon ng mga nasa itaas.

Marahil ang mga kumuha nito ay nagkaroon ng interes dahil ang mga antigo sa panahon natin ngayon ay mataas na ang halaga kapag ibinenta. Ang nawalang bell ay yari sa tanso o broze na lalong nakapagpataas sa value nito. Ito rin daw ay hindi kagaya ng ibang mga kampana na kapag kinalembang mo ay basag ang tunog. Ang tunog nito ay umaabot sa buong baryo.

Ito ay idinonate ng isang babaeng nagngangalang Modesta “Biyuda” De Santos na taga Magalang. Sa kasalukuyan, may recorded tape silang pinapatugtog upang ipaalam sa mga tao na may misa at ito ay nagsimula na. At kung hindi na raw talaga mahahanap ang bell, nagbabakasakali na rin silang may taong malambot ang puso na gustong mag-donate sa kanilang simbahan.

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s