Orientation for Overseas Filipino Workers

Orientation for Overseas Filipino Workers

by: Lili Pad

Marahil hindi lahat sa atin ang nakakaalam na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s)ay ang ating mga bagong bayani sa kasalukuyan. At kapag sinabi nating OFW, agad na pumapasok sa ating isip na malaki ang sahod, hindi ba? Kapag nakikita natin nagpapakuha ng larawan sa mga matataas na building at magagandang lugar ang ating mga mahal sa buhay ay inaakala nating masarap ang buhay nila doon at nag-eenjoy sila. Lingid sa ating kaalaman, isa lamang ito sa mga paraan nila upang maiwasan ang tinatawag nating homesick.

Sa naganap na orientation para sa mga OFW’s ng bayan ng Arayat, noong martes, Hulyo 23, 2013 sa opisina ng Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Mayor Bon kasama ang Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Mr. Narciso Magcalas (PESO Manager), marami sa mga dumalo ay mga dati, kasalukuyan at ilan naman ay kapamilya ng mga OFW’s. Nakipagtulungan ang Pampanga Action Center for OFW Concerns (PACOC) na pinamumunuan ni Ms. Maria Eliza Rey F. Muñoz at ang ahensya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pinangunahan ni Mr. Romeo T David (OWWA Family Welfare Officer) sa ating munisipalidad upang ma-organisa ang nasabing orientation. Ang pulong na ito ay naglalayon na bumuo ng isang organisasyon na maaring makinig at tumulong sa mga OFW’s sa kanilang mga hinaing at problema, upang sila ay magkaroon ng boses at upang mas madali na silang makalapit sa gobyerno dahil mayroon ng mga point persons. Ito ang pangunahing layunin ng PACOC. Nais nilang “Magpalista, Maki-alam at Makinabang” ang bawat OFW’s at magbigay ng assistance sa mga ito at sa kanilang mga kapamilya. Ayon kay Ms. Eliza, labis siyang nasiyahan ng siya ay manghingi ng permiso kay Mayor Bon na magdaos ng isang orientation para bumuo ng isang grupo para sa mga OFW’s dito sa munisipalidad ng ating bayan. Nasabi din niya na si Mayor ang naunang nagsabi na “dapat ngang magkaroon ng ganitong organisasyon para sa mga OFW natin dito sa Arayat.” Ika niya, “full support ang ating alkalde sa proyektong ito.”

Ang OWWA naman ay isang ahensya sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE). Isa itong membership institution na nakatutok sa welfare ng ating mga OFW’s. Ang membership sa OWWA ay depende sa kontrata ng isang OFW at nagkakahalaga ng $25 o P1078 sa kasalukuyan. Narito ang ilang benepisyo na maaaring makuha kung ikaw ay isang aktibong miyembro ng OWWA:

•Death Burial Benefits           
a. P100, 000 kung natural ang dahilan ng kamatayan + P20,000 burial fee           
b. P200, 000 kung aksidente + P20,000 burial fee                       
c. P15, 000 worth of groceries para sa naiwang kaanak                   
d. educational assistance para sa mga anak ng namatay                    
(5K-Elementary, 8K-High School, 10K-college)
•Disability o Dismemberment Benefits   
(maximum of P100,000 depende kung gaano kalala ang aksidente)
•Scholarships para sa OFW at sa kaanak
•Repatriation Assistance       
•Reintegration Programs

Hindi rin alam ng ating mga OFW’s na mayroong mandatory insurance na nagkakahalaga ng $15,000 para sa mga documented first timers ngunit nasawi na mga OFW sa ibang bansa sa agency na kanilang dinaanan.
Binuo din ng OWWA ang OFW Family Circles (OFC’s) na sanggunian ng mga pamilyang OFW.“Nasa Pagkaka-isa ang Lakas, Nasa Pagkilos ang Tagumpay”, ito ang kanilang pinaniniwalaan. Naglalayon itong iangat ang katayuan ng mga pamilyang OFW, tulungang magtagumpay ang mga ito sa ibang bansa at tumulong sa pag-develop ng kanilang mga kakayahan at magkaroon ng financial improvement. Pero bakit nga ba kailangan magbuo ng OFC’s? Narito ang ilang dahilan:
•    Upang magkaroon ng suporta o support group ang bawat pamilya;
•    Para mabago at mapabuti ang pamumuhay ng mga pamilyang OFW at;
•    Mapadali ang pagkuha ng serbisyo na kailangan ng mag OFW’s
Mayroon ng mga organisasyon para sa mga Senior Citizens, sa mga kababaihan, sa mga magsasaka, sa mga guro at maging sa mga kababayan nating kabilang sa third sex ay mayroon na din. Pero bakit wala pang nabubuong organisasyon para sa mga Overseas Filipino Workers? Hindi ba nakapanghihinayang na hindi sila nabibigyan ng sapat na atensyon matapos silang magpakahirap upang tumulong sa pagpapalago sa ekonomiya ng Pilipinas?
Ang bayan ng Arayat ay isa sa lima na may pinakamaraming OFW’s dito sa Pampanga. Kaya nga napakaimportanteng magkaroon na ng organisasyon para sa kanila dito. Upang makabuo ng isang matibay na organisasyon, importante na ang mga miyembro nito ay may ideya kung papaano nga ba ang buhay ng isang OFW. Ang mamuhay ng nag-iisa, ang humarap sa mga pagsubok ng walang karamay kung hindi ang sarili, ang paglaban sa homesick at ang pagharap sa napaka-ibang kultura ng ibang bansa. Narito ang ilang Pagsasanay na handog ng OWWA upang palakasin pa ang mga OFC’s:
•    Values Re-orientation Seminar (pagpapahalaga sa sarili, pamilya at komunidad)
•    Financial Literacy
•    Entrepreneurial Development Training / Skills Training
Nang matapos ang orientation, nagkaroon ng isang eleksyon para sa mga magiging opisyal ng bagong  organisasyon.

OFFICERS (ARAYAT CHAPTER)
President:                 Marcelo Puno
Vice-Presicent:                 Remigio Tanglao
Secretary:                 Gloria Manio
Treasurer:                 Aurora Velasquez
Auditor:                 Lito Narciso
P.R.O:                    Elaijia Sibug
Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s