MS ISTORYA : NOKI BOY at KITO BOY (Ang Pagpunta sa Maynila) Ang Pagpapatuloy…

 NOKI BOY at KITO BOY

(Ang Pagpunta sa Maynila)

by : Black Swan

Ang Pagpapatuloy…..

“Hayyyyyy…..ang ganda ng umagang ito. Parang kasing gandang lalake ko….” Saad ni Kitoboy habang nag-uunat sa harapan ng lamesa. “Oo nga, pati mga ulap kay puti at kasing kapal ng mukha mo”. Sabi naman ni Nokiboy habang nagsasandok ng kanin. “ ano ba naman kuya ke aga-aga ang asim ng mukha mo”. Sabi ni Kitoboy sa kapatid. “Oo, kasing asim ng kilikili mo”. Sagot naman ng nakatatandang kapatid na walang emosyon. Kumain nalang nga tayo. Sabi nalang nito habang nakasimangot.

Habang nag aalmusal napansin ni Kitoboy na may lapis at papel na nakalagay sa tabi ng kapatid. “ kuya, bakit may ganyan diyan?”. Sabay turo ng nguso na ang tinutukoy ay ang papel at lapis. Ng makuha ng kapatid ang tinatanong nito, bigla itong ngumiti ng matamis. “ahh,, gumagawa ako ng sulat para sa aking mahal na si Valerie”. Saad nito. “Gusto ko sana, ikaw ang magbigay”. Dagdag pa nito. “Sus,, yun lang pala. Sige akong bahala”. Sagot naman niya.

Ng araw na iyon, abala ang magkapatid sa pagiimpake ng kanilang gamit dahil kinabukasan na ang kanilang luwas papuntang Maynila. Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Kitoboy na pumayag ang kapatid na sumama sila sa Maynila upang doon mag trabaho kasama ang iba pang kalalakihan na taga roon.

“Oh, kitoboy pakibigay kay Valerie itong aking sulat hah… basta’t kahit anong mangyari huwag na huwag na huwag mong iwawala yan… nakasalalay ang kinabukas naming dalawa diyan.. inaasahan kita, aking kapatid”. Sabay akbay sa kanya. “ Huwag kang mag-alala kuya Nokiboy, kahit anong mangyari, una kong sasagipin ito kesa sa kahit anong kalamidad ang darating”. Na talaga namang mayabang na sabi niya sa kanyang kuya.

Habang naglalakad, napaisip siya kung ano ang nilalaman ng sulat. binukas niya ito at binasa.
Dear mahal ko Valerie,
Wala kang kasing peras ng silanganan  sa aking buhay..ang iyong mukha ay ubod ng ganda, walang makikitang panget sa iyo. Wala ng maipagmamalaki kundi ikaw lang.

Mahal ko…. paalam

“Wow.. ang galing naman ng utol ko…” na talagang manghang-mangha.. “mabigay na nga kay valerie ng buhay niya”. Pagkaraan ay sabi niya.

Hindi pa man siya nakakalayo sa kanyang nilalakaran, may biglang humarang sa kanya. Ito ay ang siga sa kanilang bayan na si Ngongi (pogi) at ang dalawang kasama nito…”pengi nga ng penga”.  Sabi nito sa kanya. Dahil hindi niya ito naintindihan, hindi siya kumibo. “haba.. nginga ungo pngato nge…” sabing ganoon nito at bila itong nanuntok at ang dalawang kasama nito.
Pagkaraan ay walang anu-ano napaaway si Kitoboy, tatlo laban sa isa at ang sulat na kanyang hawak ay nagkapunit-punit…

Nang makitang ganoon ang nangyari, talagang biglang parang toro nagwala si Kitoboy at pinagsusuntok ang kaaway at sa di kapani-paniwalang pangyayari ay ito ang nagwagi. At sa kasamaang palad ang sulat ay nagkapira-piraso.
Nang magtakbuhan ang kanyang kaaway… hindi alam ni kitoboy ang gagawin.. baka mapatay siya ng kanyang kapatid dahil sa nangyari.
Bigla ay may naisip na paraan ito. Pinagdugtung-dugtong nito ang papel at ito ang kinalabasan.

Dear mahal ko … silanganan

Wala kang kasing panget, mukha ay ubod ng peras, ng walang makikitang ganda.  Ng ang iyong maipagmamalaki wala kundi ikaw lang mahal.
Paalam na sa aking buhay… Valerie

Abangan ang pagdating ng sulat kay Valerie….

Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s