Barangay and SK Elections Registration

Barangay and SK Elections Registration
by: Lili Pad

Umaga pa lamang ng araw ng Lunes, July 22, 2013, matatanaw na ang napakahabang pila ng mga taong nagpapa-rehistro para sa darating na Oktubre 28, 2013 barangay at SK elections sa COMELEC office ng munisipalidad. Ang halalan na ito ay isinasagawa tuwing pagkatapos ng tatlong taon upang pumili ng mga pinuno para sa bawat barangay at para din sa mga kabataan. Ito ang tutukoy sa mga indibidwal na karapat-dapat sa naturang mga posisyon at kung sinu-sino ang iniisip ng mga tao na makapag-bibigay ng mapagkakatiwalaang pagseserbisyo sa kanila. Kahit hapon na, mahaba pa rin ang pila kahit na tirik na tirik ang araw.

    Makikita mo ang kagustuhan ng mga tao na makapagparehistro upang magkaroon ng pagkakataon na ihalal ang sa tingin nila ay makakatulong sa pag-angat ng kanilang barangay at sa ekonomiya ng Pilipinas. Para sa mga kabataan naman, ang kanilang pagtitiis ay maaaring dulot ng pagnanais na mabilang na ang kanilang boto sa unang pagkakataon. Marahil halos lahat naman siguro ng mga first time voters ay excited bumoto, hindi ba?

    Ang parating na araw ng eleksyon na ito ay ang tutukoy kung ano ang mangyayari sa susunod na tatlong taon sa pamumuno ng mga opisyal na ihahalal ng ating mga kababayan. Tama kaya ang ating magiging desisyon o pagsisisihan natin ito sa huli?
 Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s