MS NEGOSYO : Kabigting’s Halo-Halo : Tamis ng Tagumpay

By: Jas A. Ramos

Image

 

Noong tag-init ikaw ay pinagpawisan sa init ng panahon kaya naman naghanap ka ng palamig at sigurado isa sa mga nagpalamig sa iyo ay ang sikat na minatamis ng Pilipinas, ang halo-halo. Marami kang pagpipilian na iba’t-ibang “brand” ng halo-halo dito sa Pilipinas, kung gusto mo ng sosyal at pang-internasyonal marami dito pero kung gusto mo naman ng feel at home at murang halo-halo marami rin dito. Halos lahat ng makikita mo sa daan ay nagtitinda ng halo-halo dahil ito ay isa sa mga patok na negosyo ngayon kasi naman kahit anong “season” o panahon ay pwede kang kumain ng hindi nasusuya.

Tulad ng paglago at pagsikat ng Kabigting’s Halo-Halo hindi lang ito basta’t pana-panahon kundi ito’y nilagyan rin ng sipag, tiyaga at pagmamahal kaya naman ito ngayon ay maituturing na isa sa mga “Pride of Arayat”. Pero bago naging “Pride of Arayat” ang Kabigting’s Halo-Halo balikan natin muna ang panahon noong ito’y nagsimula. Ito’y noong 1970 ng pinayuan ni Geraldine Kabigting, kapatid ni Jacinto Kabigting,  na sumubok ng “exotic flavor” o kakaibang sangkap sa halip sa nakasanayang sangkap ng isang ordinaryong halo-halo.

Ang ideya na lagyan ng kakaibang sangkap ang kanilang halo-halo ay nagbunga sa paglago ng kanilang negosyo. Mula sa Kabigting’s Sari-Sari Store, ito’y naging Kabigting’s Halo-Halo. 

Nagsimula naman ang pagsikat ng kanilang halo-halo noong binisitahan sila nina Susan at Johnny Medina, at doon ay tinikman at nalasa nila ang kakaibang sarap ng Kabigting’s Halo-Halo. Pagkatapos noon ay binisitahan sila ng isang grupo ng mga camera men at crew ng “Travel Time with Susan” para tikman at ifeature ang kanilang halo-halo. Pinasikat ng dokumentaryong ito ang Kabigiting’s Halo-Halo sa abroad. Pagkatapos nafeature ang kanilang halo-halo ay doon na nagsunod-sunod pumila ang iba’t-ibang turista para tikman ang kanilang halo-halo. At doon binansagan ang Kabigting’s Halo-Halo bilang ang “Pride of Arayat”. Nagsidatingan rin ang iba’t-ibang sikat na personalidad mula sa mga pulitiko tulad nina (Tessie Aquino-Oreta, Lilia Pineda, Dong Gonzales, Monz Laus, Gloria Macapagal-Arroyo, atbp.) pati mga artista tulad nina (Angel Aquino,  Chesca Garcia, Emil Garcia, atbp.) hanggang sa mga sikat na personalidad sa media tulad ng (ABS-CBN crew, Jessica Soho, atbp.) Masasabi ngang walang kasing tamis ang tagumpay na tinatamasa ngayon ng Kabigting’s Halo-Halo. Ang mag-asawang sina Benjamin Miranda at Irynne Kabigting Miranda ang nagmamay-ari ngayon ng Kabigting’s Halo-Halo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s