MS ISTORYA : NOKI BOY at KITO BOY

Image

NOKI BOY at KITO BOY

(Ang Pagpunta sa Maynila)

By: Black Swan

Sa malayong probinsya ng Pampanga, nakatira ang magkapatid na sina Noki boy at Kitoboy. Mula pagkabata, namuhay ang dalawa sa pamamagitan ng panggagapas at pagtatanim sa bukid upang sa ganoon ay matustusan ang pang araw-araw  nilang gastusin. Ulila ng lubos ang dalawa at sila na lamang ang magkasama kaya naman  wala silang magagawa kung hindi ang magtulungan.
    Ng araw na iyon, naunang umuwi si nokiboy sa kapatid dahil agad natapos ang kanyang trabaho. Habang nagdidilig ng gulay sa bakuran itong si Nokiboy , malayo palang dinig na sa labas ng bakuran ang boses ng kapatid.
     “Kuya Nokiboy, may maganda akong balita sa iyo.” Patakbong saad nito sa kanya. “siguraduhin mo lang na maganda talaga yang balita mo dahil maganda rin ang balitang sasabihin ko sayo”, pagmamalaki niya kay Kitoboy. Kanina kasing pauwi siya nagkasalubong sila ni aling Belen, nangangailangan daw ito ng trabahador sa Maynila. “sige kuya, mauna kana” Sabi nito sa kanya. “hindi sige ikaw na mauna” sabi naman niya dito. “Hindi sige kuya mauna kana, maganda talaga kasi itong akin”. Na talagang excited sa sasabihin. “ikaw na” sabi naman niya. “Hindi ikaw na mauna kuya”. Pilit nito sa kanya. “sige, kapag hindi kapa nagsalita hahampas ko sa mukha mo ang timbang hawak ko”.
    “sabi ko nga ako na mauuna”. Gagad namang sabi nito. “ Ganito kasi iyon, si aling Belen naghahanap ng mga tauhan papadala daw sa maynila!”. Na talagang isinigaw pa malapit sa kanyang tainga ang huling salitang sinabi nito at masayang nagpapalakpak na sa itchura nito’y  animo parang nanalo sa lotto. “eh ikaw kuya, anong balita mo?” tanong ni Kitoboy sa kanya. “eh sinabi mo na eh”. sagot naman niya. “hala,.. nasabi ko na ang sasabihin mo?” Na parang hindi makapaniwala sa nagawa at talaga namang manghang-mangha sa sarili.

    Hindi na bago kay Nokiboy ang pagka-slow at pagkamayabang  ng kapatid. Sa araw-araw na ibinibigay ng Diyos sa kanila, hindi nagtatapos ang araw na hindi pwedeng may ipagmalaki sa kanya ang hinayupak na kapatid. Hindi nalang niya ito pinapatulan dahil nakakatanda siya dito. Ito  kasi ang tipo ng tao na talagang masasabi mong  malaki ang  bilib sa sarili na hinaluhan pa ng pagkamakapal ang mukha, kaya lahat ng babae sa kanila iwas sa kapatid.

nagsalita si Nokiboy “Patawarin mo ako, aking kapatid, sapagkat ako’y walang sapat na kita at siguradong ako’y malulumbay kapag hindi  nasilayan ng aking mga mata ang aking si Valerie”. Makatang salaysay niya sabay tingin sa kawalan. “Hay Valerie ng buhay ko”, dugtong pa niya.
Pagkasabing iyon ni Nokiboy, biglang humarap si Kitoboy at parang sasabog ang puso.” Puro  nalang val! val! Lagi nalang si val! si val na walang malay! si val na anak sa labas!.Bakit, nakakasiguro kaba na may pagtingin din sayo ang Valerie mo.”
Pagkaraan  ay sumagot si  nokiboy “Akala mo lang wala! pero meron! Meron! Meron!. Sabay suntok sa kapatid.
 “Aray! Bakit may ganoon ..wala naman sa palabas yun ah”. Angal nito sa kanya.
“ Ayyh…pasensya na nadala lang sa emosyon”..
Pagkaraan ng ilang saglit habang sila’y papasok na sa bahay, “Gagawin ko ang lahat mapasagot ko lang siya”.
 Tumingin ang kapatid sa kanya. “Weh talaga, kahit ipag tabuyan ka niya”
“Oo”
“Kahit pakainin ka ng bubog”
“Oo”
“ibibigay mo ang laman loob mo  at ipakain sa manananggal, gagawin mo yon?”
“Oo naman. Ganyan akong magmahal.”
“Wow, bro..hanep ang lupet anhhh.. ang bait mo namang manliligaw. Pwede ka ng kunin ni lord.”
“Eh kung ikaw kaya paunahin ko papunta kay lord.”  Sabay akto na sasapukin ang kapatid.
“Oh, easy lang brother..”  ilag naman nito. “ang mabuti pa kumain na tayo”.
Habang nagsasandok si Nokiboy, inutusan nito ang kapatid na igisa ang sardinas.
“Kuya tatanggalan ko pa ba ng kaliskes?” Tanong nito sa kanya.
“Paki tanggal na rin ang hasang ng masulit ang katangahan mo!.. akin na nga yan, ako na magbubukas”. inagaw niya sa kapatid ang delata.
Ng matapos na silang maghapunan at nakahiga na sa papag. Tinanong uli ni Kitoboy si nokiboy kung sila ay sasama papunta Maynila.

Abangan ang kasagutan ni nokiboy…………..

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s