MS EDITORIAL : Mayor Bon, The “Servant-Leader”

by: Lili Pad

Image

Sa ating panahon ngayon, marami ng mga bagay at pangyayari na hindi kayang iwasan at kusang dumarating ng hindi inaasahan. Ilan dito ay ang mga sakuna na dulot ng aksidente, mga kalamidad,  pagkakasakit at kamatayan. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, mayroon din namang iilan na kaya nating solusyunan. Tulad ng korupsyon, kahirapan at mga simpleng bagay gaya ng mga hindi pagkakasunduan.

    Sa pagkakahalal ng ating alkalde na si Mayor Bon, alam niyang may darating na oras na ang kanyang mga pinaglilingkuran ay lalapit sa kanya upang humingi ng iba’t-ibang klase ng tulong. May ilan na humihingi ng payo kung ano ang kanilang maaaring gawin sa isang problema na kanilang pinagdaraanan, may ilan na nagpapatulong sa kanilang pangangailangang pinansyal upang ipambayad sa bill ng naospital nilang minamahal sa buhay at ang iba naman ay humihingi ng tulong upang pagbatiin ang dalawang kampong nagkaroon ng girian.

    Noong isang araw, nasaksihan ko ang isang matanda na lumapit kay Mayor upang magpatulong sa isang hindi pagkakaintindihan na kanyang kinasasangkutan. Kanyang hinagkan ang matanda upang sabihin na handa siyang tumulong sa kanila upang mapagbati ang dalawang panig. Sa sandaling iyon, naramdaman ko ang pagmamalasakit ni Mayor sa mga taong kanyang sinasakupan. Marahil nakikita natin siyang matigas at matapang sa kanyang panlabas na kaanyuan, pero meron din siyang mala-mamong puso para sa mga tao. Kapag may nangangailangan ng tulong, hindi siya nagdadalawang isip na ibigay ang lahat ng kanyang makakaya upang masolusyunan ang problema ng bawat mamamayan.
Masasabi kong isa siyang tunay na lider dahil kaya niyang ibigay ang kanyang pagmamalasakit sa mga tao ng walang halong pagbabalat-kayo. Tahasan kong masasabi na hindi lahat ng mga namumuno sa ating bansa ngayon ay mayroong ganitong klase ng katangian. Alam naman nating lahat, na ang ilan sa kanila ay naglilingkod lamang sa publiko dahil sa kagustuhang makakuha ng kalabisan na tinatawag nating korupsyon. Ito ang pagkakaiba ng ating alkade sa kanila. Ang gusto niyang makamit ay isang bayan na uunlad sa pamamagitan ng tunay na pagbibigay-serbisyo. Nais niyang ibangon muli ang bayan ng Arayat. Nais niya na umunlad ang bayan kasama ng mga mamamayan. Siya ang lider na naglilingkod sa atin. Si Mayor Bon ang perpektong halimbawa ng isang tunay na “SERVANT-LEADER”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s