MS BALITANG ARAYAT : “Alternative Learning System”

by: Black Swan

ARAYAT, PAMPANGA – Sa loob ng Bureau of Jail and Management Pinology (BJMP) ay kasalukuyang isinasagawa ang programang Bureau of Alternative System (BAS) o mas kilala sa tawag na Alternative Learning System (ALS) na layuning magkaroon ng pagkakataon ang mga taong hindi nakapagtapos ng elementarya at sekondarya sa buong Pilipinas.

      Ito ang programa na ipinagkaloob ng Department of Education (DepEd) upang sa ganoon ay maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga ito at magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo. Walang pinipiling edad ang mga mag-aaral nito, kaya naman hindi naging hadlang sa mga taong nasa loob ng piitan ang pagkakataong ito.

    Sa katunayan, pito (7) na ang pumasa sa programang ito noong nakaraang taon dito at sa kasalukuyan, 13 sa kanila ngayon ang nag-aaral dito. Dalawa sa mga ito ay kumukuha ng elementarya at 11 naman ang nasa sekondarya. Sa Martes ang araw ng pagtuturo sa mga nag- aaral ng elementarya at sa Huwebes naman ang sa sekondarya.

 Isang taon ang kanilang gugugulin upang makapasa at makakuha ng tinatawag nilang Achievement and Evaluation Test, na kung saan ito ay ang pinakapagsusulit nila para makamit ang minimithing Diploma. Ito ay isinasagawa sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.

Sa tulong ni Bb. Leilanie M. Agustin ang naitalagang guro ng mga ito, para na rin silang nasa eskwelahan sapagkat meron din silang tinatawag na Learning Strains na may limang subject tulad ng:

    1. Kasanayang Pangkomunikasyon
    2. Communication English
    3. Matematika at Agham
    4. Kabuhayan at Kalikasan
    5. Pagpapalawak ng Pananaw

    Bawat kategorya ay may kanya-kanyang aktibidad na ginagawa, halimbawa nalang nito ay ang paggawa ng paper folder na kung saan pinagdidikit-dikit ang papel upang maging hugis katulad ng hayop. Meron din silang ginagawa na paglalagay ng beads upang magkaroon ng disenyo ang mga wallet. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng kaalaman ang bawat estudyente sa paggawa ng mga bagay na makakatulong sa kanilang pamumuhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s