Talumpati ni Mayor Emmanuel “BON” M. Alejandrino

Talumpati ni Mayor Emmanuel “BON” M. Alejandrino

Image

KGG. Emmanuel M. Alejandrino
Punong Bayan

“Sa aking mga minamahal na kababayan ang araw na ito ay lubhang napakahalaga sapagkat ngayon ang araw ng pagsasalin ng lumang panunungkulan tungo sa isang bago, ito ang pagbabago na ginusto ninyo upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng ating pamayanan, isang mapayapa at maunlad na bukas, mga problema sa karahasan ang dahilan kung bakit marami ang takot sa ating bayan, ito ang daang tinahak ng naunang nanungkulan hinawi at itinabi nila ang mga balakid sa baluktot nilang hangarin, at sa dami ng kanilang naperwisong mga pamilya nagbunga itong luksa sa bayan. Ito na ang tamang panahon para tuldukan natin ang karahasan, lahat ng may illegal na armas at ayaw sa kapayapaan wala kayong puwang sa pagbabago na gusto ng pamayanan.”

“Ang pagmamahal sa kalikasan ay isa sa mga adhikain ng bagong pamunuan, lahat ng mga pasaway na ayaw huminto sa pagpuputol ng malalaking puno sa kabundukan. Pati na ang walang habas sa paghuhukay ng mga treasure hunter kuno, at ang pagsasalahula sa ating National Park, kakamtan ninyo ang parusang batas at kalikasan kaya sa lahat ng hindi tatalima sa bagong pamunuan ay magsilikas na kayo sapagkat hindi kayo nababagay sa Bagong Arayat.”

“Ang pagnanakaw sa bayan ay mahigpit na pinagbabawal ng bagong pamunuan kung kaya’t magkakaroon ng malinis na pagtutuos sa kaban ng bayan o transparency na kung saan ay itatala sa munisipyo ang lahat ng gugulin ng bayan. Ibibigay ang bahagi ng mga Senior Citizen na sa kinahabahaba ng panahon ay hindi pinatikim ng mga naunang nanungkulan at lahat ng barangay ay babahagian din ng kanilang share sa kaban ng bayan, at ipagpapatuloy din ng bagong pamunuan ang pagsasaayos ng Edukasyon at Kalusugan para sa mamamayan ng Arayat.”

“Alisin sa bayan ang Imoralidad na kung saan ang mga naging biktima ay kabataan na pinangakuang scholarship ngunit ang naging kapalit naman ay pagsira sa kanilang kinabukasan.”

“Ang pagsugpo sa problema ng droga sa ating bayan ay isa din sa aming adhikain. Kaya ngayon pa lang! kayong mga taga-pagtaguyod nito at kung sino mang sangkot sa ating pamunuan, ito na ang panahon para lumikas kayo sa bayan! Sapagkat wala kayong puwang ditto sa Bagong Arayat. Ang gusto namin sa bayan ay Drug Free Arayat tayo.”

“At sa huli ibalik loob natin ang bayan sa Diyos, malalim na ang baon natin sa ating mga problema dahil nalimutan na natin ang Dakilang Naglalang, ialay natin ang bayan ng Arayat sa Panginoon, at ang mahalaga sa ating kababayan kayo ang Boss namin. Ginusto ninyo ang pagbabagong ito kaya kayo, kami tayo sama-sama sa isang Mapayapa, Matuwid at Maunlad na Arayat.”

“LUID YA ING BAYUNG ARAYAT”

One thought on “Talumpati ni Mayor Emmanuel “BON” M. Alejandrino

  1. God Bless Mayor Bon,,Peace be in Bayung Arayat,,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s