“Sagip Kalikasan Para sa Kinabukasan”

“Sagip Kalikasan Para sa Kinabukasan”

by: Jas A. Ramos

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-12 ng Hulyo 2013 alas-sais ng umaga (6:00am) ng nagsimula ang programa para sa tree planting sa Bundok Arayat sa barangay ng San Juan, Bano, Arayat, Pampanga na pinangunahan ni Mayor Bon Alejandrino. Ito’y may tema na “Sagip Kalikasan Para sa Kinabukasan”.

Bago nagsimula ang programa ng tree planting ay umakyat muna sina Mayor Bon sa Bundok Arayat upang tignan kung gaano kalayo at kung saan kinakailagan magtree planting.

Nagsimula ang programa sa isang stretching exercise na pinangunahan ni Pvt Angel R. Lapig (Inf) PA. Ito’y ginanap sa Arayat National Park. Pagkatapos ng stretching exercise ay ang invocation o panalangin na pinagunahan ni Rev. Fr. Francis F. Dizon SACOP, Executive Director. Ang nilalaman ng panalangin niya ay tungkol sa ikabubuti ng Bundok Arayat. Pagkatapos ay ang welcome remarks mula kay COL Henry G. Sabarre INF (GSC) PA.

Nagsalaysay rin si Mayor Bon ng isang makabuluhang mensahe para sa bayan ng Arayat. Sa mensahe niya ay sinabi niya na gagawin niya ang Arayat bilang one of the biggest and most progressive city in Pampanga.

Dumating rin si Bishop Aniceto sa programa para sa tree planting sa Bundok Arayat. Nag-alay rin siya ng isang mahalagan mensahe na may patungkol sa atin sa pag-aalaga ng ating kalikasan na tayo ang
” Protector of God’s Gift”. Pagkatapos ng mensahe ni Bishop ay nagsimula ng magsilakad at akyatin ang Bundok Arayat upang mag-tree planting. Ang pag-ukyat sa bundok ay pinagunahan ni Mayor Bon Alejandrino. At pagkadating sa mismong lugar  ng pagtataniman ay agad sinumulan ni Mayor Bon ang tree planting. Naging matagumpay ang tree planting na naganap, lahat ay nakapagtanim at nakapag-alay ng regalo para sa Bundok Arayat.Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s