Pagpapanatili ng Kalusugan at Kalinisan Ng Mga Bata sa AES

Pagpapanatili ng Kalusugan at Kalinisan Ng Mga Bata sa AES

by: Jas A. Ramos

Image

Ngayong buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang ang “Nutrition Month” sa iba’t-ibang paaralan na may tema na “Gutom at Malnutrisyon Sama-sama Nating Wakasan” upang sugpuin ang malnutrisyon at gawing malusog ang bawat bata sa bansa. Itong tema na ito ay nagmula sa  Deparment of Education dahil ayon sa mga datos na nakakalap nila ay mas dumadami ang mga batang nagugutom at hindi sapat ang nutrisyon. Ito’y ginagawa tuwing buwan ng Hulyo dahil dito talaga tinitimbang at doon mo din makikita kung sino yung mga severely wasted sa mga wasted.

Isa sa mga nabisitahan ng Maria Sinukuan Staff ay ang paaralan ng Anderson Elementary School habang isinasagawa nila ang isa sa mga programa para sa pagdiriwang ng “Nutrition Month”. Ito ay ang feeding program para sa mga bata na hindi sapat ang kinakain o ang mga bata na isang kain isang tuka. Ayon sa mga guro na namamahala ng programang ito ay dumidipende din sa budget ang ang pagsasagawa nila ng feeding program. Pinapakain sila tuwing hapon ng mga malulusog na pagkain pero piling-pili lang ang bilang ng mga bata na pinapakain nila.  Ito’y kung sino lang severely wasted at wasted. Ayon sa kanila, may mabuti namang naidudulot ang feeding program na isinasagawa nila. Pagkatapos ng anim na buwan ay nakikita nila ang pagbabago sa katawan ng mga bata, yung iba tumataba. Tuwing buwan ng Hulyo at Nobyembre ay tinitimbang nila ulit ang mga bata at nakikita naman nila na kumokonti ang mga severely wasted at wasted.
At doon ay may sinusundan rin silang food pyramid araw araw. Halimbawa, sa Lunes dapat gulay, sa Martes dapat isda. At araw-araw sa canteen nila ay may niluluto silang mais, gulay, pritong saging at kamote.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s