Mayor Bon, Hero ng Kalikasan

Mayor Bon, Hero ng Kalikasan

by: Jas A. Ramos

Ang pag-akyat sa Bundok Arayat ay hindi ganoon kadali lalo na kung malayo, maputik, madulas, matalahib at lalo na  pag hindi ka pa handa na ni isang bote ng tubig wala ka. Kaya naman sino ang hindi hahanga kay Mayor Bon na buong tapang at walang arteng umakyat baba sa Bundok Arayat ng dalawang beses para sa tree planting. Masasabi ngang kabayanihan ang ginawa ni Mayor. Ito’y ginawa niya para sa mas ikakabuti ng Bundok Arayat bilang isa sa mga makakalikasang plataporma niya para sa Arayat.
   
    Para bigyan linaw ang paghanga ko, naming ng mga kasama ko sa tree planting, isasaad ko ang buong pangyayari kung saan kung ikaw ang nasa posisyon ko masasabi mo rin na isang “Hero ng Kalikasan” si Mayor Bon.
Ika-12 ng Hulyo 2013, ng alas- singko ng madaling araw (5am), bago pa lang nagsimula ang mismong programa para sa tree planting, ay umakyat na si Mayor Bon sa Bundok Arayat upang inspeksyunin kung gaano kalayo at kung saan pwede at kinakailangan mag-tree planting. Madaling araw iyon kaya hindi pa nakagising ang araw. Pero hindi naging hadlang ang dilim para tahakin ni Mayor Bon ang pagakyat sa Bundok Arayat dahil sa isang napakahalagang rason para sa kanya, ang tree planting.
 
    Maaring maitanto mo sa isip mo kung bakit ba hindi na lang sa malapit at patag na lugar mag-tree planting para mas madali. Ito ang sagot, dahil mahal ni Mayor Bon, namin, at kung kaisa ka sa amin, natin, mahal natin ang Bundok Arayat. Pero, bakit ba kailangan natin mahalin ang ating bundok? Simple lang, dahil ito ang nagbibigay sa atin ng “natural resources”, ito ang pinakamain attraction ng Arayat para sa mga turista pero higit sa lahat dahil ito ay bigay sa atin ng Poong Maykapal na kailangan nating pangalagaan at mahalin tulad ng pagmamahal natin sa ating pamilya. Paano nga ba natin alagaan at mahalin an gating bundok? Isa sa mga paraan ay ang tree planting. Ang tree planting ay nakakatulong upang maiwasan ang mga delikadong pangyayari na maaring mangyari tuwing may kalamidad. Isa na dito ang landslide.

    Kaya naman noong pagbaba ni Mayor sa bundok, mga lagpas alas-sais ng umaga (6:30am), ay pinagehersisyo niya ang mga partisipante ng tree planting kasama siya para maihanda nila ang katawan nila sa pagakyat sa Bundok Arayat. Ito’y ginanap sa Arayat National Park. At hindi lang katawan ang pinahanda ni Mayor pati mentalidad tungkol sa programa. Nagbigay siya ng isang makabuluhang at makakalikasang mensahe para sa mga partisipante. Dumating rin at nagbigay ng mensahe si Bishop Aniceto. Pagkatapos noon ay nanguna si Mayor Bon sa pagakyat sa Bundok Arayat.

    Isang napakalayong paglalakbay ang tinahak namin, na pinagunahan ni Mayor Bon, sa Bundok Arayat upang maisakatuparan ang aming mithiin, ang tree planting. Sa paglalakbay namin sa Bundok Arayat ay marami kaming nakita at naranasan. Tulad nalang ng mga walang awang sinunog na puno o deforestation kung tawagin. At doon ay napagtanto namin na kailangan na kailangan talagang mag-tree planting. Isa pa ditto ay ang buwis buhay na pagakyat, walang kasiguraduhan na kahit anong oras ay maaring madulas ka at magpagulong-gulong. Pero ang nagbigay ng lakas at inspirasyon sa amin ay si Mayor Bon. Habang nakikita namin siyang nagpapatuloy parin sa paglalakad kahit pagod at muntikan na siyang madulas. Nakita at naramdaman namin sa kanya na talagang porsigido siyang makatulong sa ikakalago ng Bundok Arayat. Ipinakita niya sa amin ang ganda ng bundok kahit na madaming talahib at putikan pa pero nakita naming talaga ang kagandahan ng Bundok Arayat. Isang nakapagandang tanawin ang nagpabango sa aming mga mata. At noong marating namin ang lugar ng pagtatamnan ay agad agad kaming nagtanim kahit na sinabi nila na dahan-dahan lang pero pinag-ingatan naman naming ang mga mumunting halaman na aming tinanim. Tinulungan at ginabayan pa kami ni Mayor Bon sa pagtatanim. Ipinakita niya sa aming lahat ang pagkaresponsable niya bilang pinuno pero higit sa lahat ipinakita niya sa amin ang pagmamahal sa ating kalikasan kaya masasabi kong hindi lang siya isang magaling na pinuno kundi isang hero ng kalikasan.
Image

4 thoughts on “Mayor Bon, Hero ng Kalikasan

  1. go go go… yan po ang gusto ng ating mga kababayan d2 sa arayat kya po kayo amg aming piniling mamuno d2 sa arayat kaakabay nyo po kmi sa magandang layunin ninyo para sa rayat more power po and god bless you all.

  2. isa aq sa mga nkasama ni mayor bon alejandrino,na umakyan at nagtanim ng halaman sa bundok arayat..hanga aq sa sipag na ipinakita nya,at nagpa2salamat aq sa knya,,dhil binibigyan nya ng pansin ang bundok arayat..kaya dapat nating bigyan ng parangal si mayor ,,bilang bayani ng arayat..
    .at marami din syang ma22lungang tao..lalung lalo na ang brgy.san juan bano..kaya buong puso aqng nagpa2salamat sa knya,…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s