MS Kalikasan: Ang Bundok Arayat

Ang Bundok Arayat

Interpreted by: Jas A. Ramos

Image

Ang Bundok Arayat ay isa sa mga uri ng “stratovolcano” dito sa pulo ng Luzon sa Pilipinas  na hindi aktibo at hindi positibo sa anumang pagsabog. Ito ay may kataasan na 1026 meters. Wala pang natalang anumang pagputok  at ang huling sinasabing natalang aktibidad ng bundok ay noong  Holocena Era pa.

    Ang bundok ay itinuturing na mahiwaga sapagkat ito ay ang maalamat na tahanan ni Aung/Aring/Sinukuan/Sinkuan/Suku o sa mas kilalang diwata na si Maria Sinukuan. Ayon sa sinaunang alamat ng Kapampangan at ayon sa pananaliksik na nalikom ng mga Kapampangan na estudyante ng Henry Otley Beyer, ito ang tinitirhan noon ni Apung/Aring Sinukuan, katunggali ni Namalyari ng Bundok Pinatubo, anak ni Cargon-Cargon na lubhang nasugatan sa isang laban sa isang higante mula sa Zambales Mount Range na sinasabing tahanan ni Apu Namalyari.

    Ang bundok ay sinasabing tahanan ng isang salamangkero na nangangalang Sinukuan/Sinukwan o Sucuna nangangahulugang “The end” o “he who others have surrendered to”. Ang bundok ay sinasabing matatagpuan sa ilat ng timog pero ito’y nalipat dahil sa hindi kanais-nais na pamumuhay ng mga taong naninirahan doon at sila ay sinasabing pinarusahan, nagdusa at nakaranas ng kasawiang-palad. Ang Sinukuan ay pinaniniwalaang nagbabagong-anyo sa anumang oras na gustuhin nito at ang kanyang katunggali naman ay nagbabagong-anyo rin bilang si Namalyari ng Bundok Pinatubo. Ang talon sa Ayala sa Magalang, Pampanga ay ang sinasabing palikuran o kung saan ito naliligo. At ito rin ay madalas na binibisitahan ng mga turista at katutubo.

    Ang Sinukuan ay sinasabing nanirahan sa tinatawag na “White Rock”, isang simboryo (lava dome) na nabuo sa huli nitong pagputok kung saan ang kumukutitap at kamangha-manghang katangian nito ay nakapagbigay inspirasyon at nakapagpalawak ng imahinasyon upang makabuo ng alamat patungkol sa bundok.

    Salungat sa realidad, ang bundok ay pinaniniwalaang hindi lang iisang bundok kundi ito’y maraming bundok na pinagsama sa gitna kasama na ang  dalawang matataas na tuktok nito. Sa ibang alamat, ang sinukuan ay ang sinasabing kinalalagyan ni Maria Makiling ng Dakong Timog Luzon. Ang Sinukuan ay pinaniniwalaang nagkaroon ng mga anak na babae na bumaba dito sa lupa at nagbabalat-kayong tao. At sa araw ng kanyang pagbabalik, ito ang magiging araw ng kanyang paghihiganti laban sa pag-atake sa kanya ni Namalyari.

About these ads

One thought on “MS Kalikasan: Ang Bundok Arayat

  1. Isa pa pong dapat na mabigyan ng pansin ay ang mga nangangalakal sa Camp Venzon na garapalang PANUNUNOG ang ginagawa nila duon. NAkakasulasok ang amoy na dulot ng pagsunog sa plastik at kuryente. Karamihan ng mga taong nakapaligid dito ay amuy na amoy ito at sobrang sakit sa diddib. Butihing Mayor, sana pu ay mabigyan agad ng aksiyon ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s